(Courtesy: National Task Force for the West Philippine Sea)
Inamin ng Chinese Embassy na alam nila ang presensiya ng 220 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef.
Sa inilabas na pahayag ng embahada, ang mga sasakyang-pandagat ay huminto sa Julian Felipe Reef dahil sa masamang kondisyon ng dagat.
Itinanggi din na Chinese Maritime Militia ang mga sasakyang-pandagat kundi mga barkong pangisda lang.
“There is no Chinese Maritime Militia as alleged. Any speculation in such helps nothing but causes unnecessary irritation. It is hoped that the situation could be handled in an objective and rational manner,” ayon pa sa embahada.
Iginiit din na ang Julian Felipe Reef ay bahagi ng Nansha Qundao ng China at ilang taon nang may mga nangingisda silang mamamayan sa lugar.
“Recently, some Chinese fishing vessels take shelter near Niu’e Jiao due to rough sea conditions. It has been a normal practice for Chinese fishing vessels to take shelter under such circumstances,” dagdag pa ng embahada.
Naghain na ang Department of Foreign Affairs ng panibagong diplomatic protest laban sa China base na rin sa abiso ng National Task Force on West Philippine Sea.