Zambales Governor Ebdane Jr., positibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng gobernador na lumabas sa RT-PCR test na positibo siya sa nakakahawang sakit, Linggo ng hapon (March 21).

Inilahad naman ni Ebdane ang ilan sa mga lugar kung saan siya nagtungo nitong mga nakalipas na araw:

Photo credit: Zambales for the People Facebook account

Hinikayat nito ang mga nagkaroon ng exposure sa kanya na sumailalim sa COVID-19 testing mula March 12 hanggang 19, 2021.

“I have been strictly adhering to health protocols, however, due to the nature of our work, unnecessary exposure to the virus is inevitable,” saad ng gobernador.

Sinabi nito na naka-isolate siya upang hindi na kumalat pa ang virus.

Read more...