ER ng isang ospital sa Tondo, Maynila sarado dahil sa hinihinalang Meningococcemia case

GABMMC Facebook photo

Pansamantalang isinara ang emergency room ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa Tondo, Maynila.

Ayon sa Manila Public Information Office, ito ay dahil sa hinihinalang kaso ng Meningococcemia.

Layon nitong bigyang daan ang gagawinv disinfection sa emergency room.

“This is to make way for the ER’s terminal cleaning and disinfection due to a suspected Meningococcemia case who died earlier in the said area,” pahayag nito.

Sarado ang ER ng GABMMC hanggang 8:00, Martes ng umaga (March 23).

Read more...