Ayon sa Provincial Government ng Batanes, lumabas sa RT-PCR swat test na positibo sa nakakahawang sakit ang 26-anyos na lalaki na isang returning resident
Dumating ang pasyente sa Batanes noong March 20, lulan ng Philippine Airlines (PAL) flight.
Residente ang pasyente ng Basco at nagmula sa Project 6. Quezon City.
Sa ngayon, inoobserbahan ang pasyente na naka-isolate sa Batanes Resort.
Sinabi ng Provincial Government ng Batanes na pamamaga ng lalamunan ang nararanasang sintomas ng pasyente.
Tiniyak ng Provincial Government ng Batanes na nagsagawa na ang Health Cluster ng contact tracing sa lahat ng nakasalamuha nito, lalo na ang mga nakasabay sa eroplano.
Ito na ang ikalimang naitalang kaso ng COVID-19 sa Batanes.
Samantala, sinabi ng Provincial Government ng Batanes na stable ang kondisyon ng ika-apat na kaso ng COVID-19 sa lugar.
Negatibo naman sa nakakahawang sakit ang lahat ng nakasabay at nakasalamuha nito sa biyahe.