Pumalo sa 8,019 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes (March 22), pumalo na sa 671,792 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 80,970 o 12.1 porsyento ang aktibong kaso.
Ito ang pinakamataas na naitalang kaso ng COVID-19 sa isang araw simula ng pandemya.
Samantala, 95.4 porsiyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.2 porsyento ang asymptomatic; 0.52 porsyento ang moderate; 1.0 porsyento ang severe habang 0.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa apat naman ang napaulat na nasawi kayat umakyat na sa 12,972 o 1.93 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 103 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 577,850 o 86.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.