Kaso ng COVID-19 sa Maynila, nadagdagan pa ng higit 700

Karagdagang 704 ang kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (March 22), sumampa na sa 34,548 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 2,933 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Tondo 1 na may 464 active cases.

Sumunod dito ang Sampaloc na may 425 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 420 residente naman ang bagong gumaling at pito ang bagong nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 30,756 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 859 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...