Ayon kay Velasco, pagod na ang mga healthcare worker at ang health care system ng bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Dapat aniyang obserbahang mabuti ng publiko ang mahigpit na pagsunod sa health protocols kahit pa nasa mga bahay.
Sa ganitong paraan ay hindi lamang maiiwasan ang pagkalat ng sakit kundi mas maraming buhay din ang maililigtas.
Dapat din aniyang maging malinaw na sa lahat ang mensahe na kapag ang bawat isa ay nakipagtulungan sa pagtigil na kumalat ang COVID-19, tiyak na makabubuti ito sa ekonomiya at mas mapapabilis ang pagbabalik sa normal na buhay ng lahat.
Nito lamang Sabado, March 20, 2021 ay naitala ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 at hindi na bumaba sa mahigit 7,000 ang naitalang kaso hanggang Linggo, March 21, 2021.