Anuman araw ngayon linggo ay darating na sa Pilipinas ang karagdagang 400,000 doses ng Sinovac na donasyon ng gobyerno ng China.
Ito ang inanunsiyo ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Huang na pinagsusumikapan nila na madala sa Pililinas ang mga karagdagang bakuna.
Sinabi nito na napakahalaga ng mapabilis ang pagpapabakuna sa bansa, “no one is safe until everyone is safe. In the face of the spread of new COVID-19 variants across the globe, and the resurgence of cases in the Philippines, we need to race against time in our efforts to speed up the mass inoculation process.”
Magugunita na unang linggo ng Marso na dumating sa bansa ang paunang donasyon ng China na 600,000 Sinovac doses.