Higit 2,000 police medical frontliners nabakunahan na ng COVID 19 vaccine

Umabot na sa 2,266 police medical front-liners ang naturukan na ng anti-COVID 19 vaccine.

Sinabi ni PNP OIC Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang bilang ay mula sa 2,426 na nagparehistro para mabakunahan.

Binanggit ni Eleazar na may 103 personnel ang nakaranas ng minor adverse reactions, na agad din naman nawala at hindi naging panganib sa kanila.

Nabatid na 1,773 ang naturukan ng Sinovac at ang 493 naman ay AstraZeneca vaccines.

Kahapon, nakapagtala ng 139 bagong kaso ng COVID 19 sa pambansang pulisya.

Read more...