Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 123.86 milyon

Pumalo na sa 123.86 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 123,868,982 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 30,521,765 cases.

Sumunod na rito ang Brazil na may 11,998,233 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 11,646,081 naman ang kaso sa India habang 4,456,869 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 4,296,583
– France – 4,282,603
– Italy – 3,376,376
– Spain – 3,212,332
– Turkey – 3,013,122
– Germany –  2,670,000
– Colombia – 2,337,150
– Argentina – 2,245,771
– Mexico – 2,195,772
– Poland – 2,058,550

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,727,738 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 99,795,152 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...