COVID 19 at ICU Units ng St. Luke’s Global at St. Luke’s QC napuno na

Ngayon alas-11 ng tanghali ay napuno na ang COVID 10 ward at Intensive Care Units ng St. Luke’s Medical Center Global sa Taguig City at St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

“We would like to inform everyone that as of 11 am today, March 22, 2021, the COVID 19 ward and ICU units of St. Luke’s Medical Center Global City and Quezon City have reached full capacity,” ayon sa public advisory ng ospital.

Sa nasabi din abiso na, nilinaw naman na ‘full sevice’ pa sila sa non-COVID 19 cases, inpatient at outpatient.

Hindi na nabanggit ang kapasidad ng dalawang ospital para sa mga pasyente na may COVID 19.

Una nang nagbabala ang OCTA Research na sa pagdami ng mga bagong kaso ng COVID 19 posible na mapuno na ang mga ospital at pasilidad ng mga pasyente.

Read more...