Sa kanyang Facebook post, ipinaliwanag ni Robredo kailangan na kada araw, 256,993 ang nababakunahan para sa pagtatapos ng taon ay 73.5 milyon na sa mga Filipino ang nabakunahan at ito ay 70 porsiyento ng 105 populasyon ng bansa.
Sa ganitong paraan ay maaabot ang tinawag na herd immunity.
Nabanggit niya na sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi maaring madaliin ang pagbabakuna sa health frontliners dahil mawawalan ng tao sa mga pasilidad at ospital.
“This is what we have been asking since last year -prepare the deployment plan, treat it as a logistics problem, identify and train vaccinators, prepare large vaccination centers that will make possible a more efficient rollout,” sabi ni Robredo.
Aniya batid niya na kulang pa ang suplay ng bakuna ngunit dapat ay mabilis na naipapamahagi ang mga bakuna.
“Let us assess where the bottlenecks are. 1M palang supply natin, pero in 17 days hindi pa nga tayo naka 50% utilization, papaano na kung 70M na yung available? tanong nito.
Dapat din aniya pahalagahan ng husto ang maitutulong ng husto ng pribadong sektor kayat panawagan niya din sa gobyerno na huwag nang pahirapan pa ang mga may maiaambag para mapabilis ang pagkasa ng vaccination program.