Isang online self-defense workshop para sa mga kababaihan ang inorganisa ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong.
Ayon kay Ong, ang programa ay bilang bahagi ng pagkilala sa mga babae ngayong “Buwan ng mga Kababaihan.”
Sabi ni Ong na isang aktibong Krav Maga practicioner, ” We want to be one with all women in celebrating Women’s Months this year by empowering them to protect themselves and others using the art of Krav Maga.
Kailangan ayon sa mambabatas na maging handa rin ang mga kababaihan na ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
“We know more and more women need this each day, and we want to empower them to defend themselves, even in something as simple as walking alone at night. We want them to ‘fight like a girl’, and that is to fight powerfully, strongly, and succesfully,” dagdag ni Ong.
Mahigit isang daang mga babae anya mula sa iba’t-ibang panig ng bansa gayundin mga Overseas Filipino Workers sa Hongkong ang dadalo sa “Online Krav Maga” na pangungunahan ni International Krav Maga Federation Philippines Chief Instructor at Country Director Dindo de Jesus at Krav Maga expert Jessica de Jesus.
Ang Krav Maga ay isang practical at tactical system na nilikha sa Israel upang panlaban sa mga pag-atake ng mga kalaban.
Mapapanood sa facebook ng kongresista ang workshop simula 1pm hanggang 3pm mamayang hapon.