Sinabi ni Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr., ang pangulong LPP, hindi katanggap-tanggap sa mga LGUs ang nais ni Duque sa katuwiran na kailangan din nila ang bakuna.
Paliwanag pa ni Velasco maaring may mga lokal na pamahalaan ang may naitatago pang mga bakuna ngunit nakakatiyak siya na may plano na ang mga ito.
Maari aniya na ikinakasa nila ang vaccination rollout para kumbinsihin ang mamamayan nila na magtiwala sa bakuna.
Diin pa ng opisyal dapat ay isangguni muna ng gobyerno sa LGUs ang pagbawi o paghiram nila ng naideliver na bakuna at hindi dapat maging sapilitan ang gagawing hakbang.
Kahapon sinabi ni Duque na magkakaroon ng redeployment ng mga bakuna mula sa mga probinsiya at ibabalik ang mga ito sa Metro Manila, na nagkakaroon na naman ng paglobo ng COVID 19 cases.