Hawak na ngayon ng awtoridad ang tatlong Indonesian kidnap victims matapos makatakas nang lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa dagat malapit sa Pasigan Island sa South Ubian sa Tawi-Tawi kamakalawa ng gabi.
Sinabi ni AFP – Western Mindanao Command chief, Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., nailigtas ng mga pulis mula sa Tandudbas ang apat na nakilalang sina Riswanto Bin Hayono, Arical Kastamiran, at Arsyad Bin Dahalan.
Isang Filipino, Sahud Salisim alias Ben Wagas ang nailigtas din at sa pag-iimbestiga nadiskubre na isa siyang Abu Sayyaf sub-leader.
Kabilang ang tatlo sa limang Indonesian nationals na dinukot ng teroristang grupo sa Tambisan, Malaysia noong Enero 17, 2020 at isa kanila ay pinatay ng ASG nang magtangkang tumakas sa gitna ng isang engkuwentro sa Patikul, Sulu noong nakaraang Setyembre 29.
Nabatid na patakas ang limang terorista kasama ang tatlong Indonesians patungo sa Tawi-Tawi para takasan ang opensiba ng militar sa Sulu.
Sakay ang walo ng Jungkong, isang uri ng bangka, nang hampasin ito ng malalakas na alon at lumubog.