Ginawa ang rekomendasyon para maiwasan ang pagbagsak ng healthcare system ng bansa dahil sa mga dumadaming pagkakasakit ng COVID 19.
Sinabi ni Ranjit Rye, OCTA Research fellow, napakahalaga ng pagsunod sa minimum health protocols – paghugas ng mga kamay, physical distancing at pagsusuot ng mask at face shield.
Ngunit aniya hindi sapat ang mga ito para pigilan ang pagdami pa ng mga nagkakasakit.
Sa nangyayari ngayon, paliwanag ni Rye, dapat ay maramdaman ang pagbawas sa kaso ng pagkahawa sa susunod na dalawa hanggang apat na linggo.
Aniya dapat din malimitahan ang galaw ng mga tao.
READ NEXT
Vaccine czar Carlito Galvez kinontra ng FDA sa anunsiyo na pagtuturok ng Sinovac sa ‘seniors’
MOST READ
LATEST STORIES