Sinabi ni FDA Dir. Gen. Eric Domingo malinaw sa emergency use authorization (EUA) ng made in China na bakuna na maari lang itong ibigay sa mga may edad 18 hanggang 59.
Dagdag pa niya, maituturok lang ang Sinovac sa ‘seniors’ kung mapapatunayan ng gumawa ng bakuna na ligtas ito sa mga may edad 60 pataas.
“Of course it will be up to the manufacturer and the distributor of Sinovac to provide data that will show that they have tried it in people who are above 60 years old and that it is safe for them to use it,” sabi ni Domingo.
Una nang inanunsiyo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na hanggang siyam na milyong senior citizens ang tuturukan ng Sinovac sa susunod na buwan.