Ito aniya ay maaring isa sa mga dahilan nang pagdami ng husto ng mga nagkakasakit ng COVID 19 sa mga nakalipas na araw.
Paliwanag ni Abeyasinghe ang tawag nila sa phenomenon na ito ay ‘vaccine optimism’ at nangyayari din sa ibang bansa na nagsagawa na rin ng vaccine rollout.
“It’s the fact the arrival of the vaccines and the optimism that the vaccine brought have resulted in decreased compliance with the public health measures,” sabi pa ni Abeyasinghe.
Dagdag paliwanag pa niya dahil sa pag-asa na ibinigay ng bakuna, nag-iwan ito ng pagkakataon para kumalat ang coronavirus.
Gayundin, ang pagdating sa bansa ng virus variants, na sinasabing mas mabilis makahawa, ang isa pang dahilan ng pagdami muli ng COVID 19 cases sa bansa.
Kahapon, iniulat ng DOH na karagdahang 7,103 COVID 19 cases ang naitala sa bansa, ang pinakamataas na pagtaas ng kaso simula ng pandemya.