Sen. Nancy Binay sinabing hindi pa pinapangarap ang maging pangulo o VP ng bansa

SENATE PRIB PHOTO

Itinanggi na ni Senator Nancy Binay na inaasam niya ang dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Kasunod ito nang pagsama sa kanya ng mga bumuo ng 1Sambayan sa mga ikinukunsidera na tumakbo para sa dalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Pinasalamatan na niya ang mga bumubuo sa 1Sambayanan.

“Being elected into office for the second time, it is more than enough blessing for me–a mother and a housewife who started as an intern–to be given the extraordinary privilege to serve. But I want to end all speculations. I am not running for higher office,” sabi ng senadora.

Binanggit nito na brutal ang politika lalo na sa pamilya ng politiko at ayaw na niyang danasin pa ng kanyang pamilya ang naranasan nila.

“I cannot subject my family again to the ugly brand of politics, the injustices, the sustained attacks, the lies, and how it stained and wounded us. I don’t want my family to be transported back to the grim era when we were demonized na parang kami na yata ang pinakamasamang nilalang sa buong universe,” sabi pa nito.

Read more...