Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (March 19), pumalo na sa 648,066 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 73,264 o 11.3 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 7,103 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang pinakamataas na naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw simula nang ideklara ang COVID-19 pandemic sa bansa.
93.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.3 porsyento ang asymptomatic; 0.59 porsyento ang moderate; 1.1 porsyento ang severe habang 1.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 13 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 12,900 o 1.99 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 390 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 561,902 o 86.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.