Ang Sputnik V, na gawa ng Gamaleya Research Institute, ang ikaapat na bakuna na nabigyan na ng EUA ng FDA.
Sinabi pa ni Domingo na ang Sputnik V ay maaaring gamitin sa mga edad 18 pataas at wala pang partikular na ‘safety concerns.’
Pinuna ang naturang bakuna dahil sa mabilis na paggawa nito, ngunit sa isang medical journal sinabi na ito ay may 91.6 efficacy rate laban sa Coronavirus.
Ayon naman kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., paunang dalawang milyon ng Sputnik V doses ang maaaring tanggapin ng Pilipinas mula sa Russia ngayong may EUA na ito mula sa FDA.
Nauna nang nabigyan ng EUA ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca at Sinovac Biotech.