Base sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS), 65 porsiyento ang nagsabi na delikado ang anumang kritikal na pagpapahayag sa gobyerno kahit ang pahayag ay ang katotohanan.
Sa survey na may 1,500 respondents at isinagawa noong nakaraang Nobyembre 21 – 25, may 16 porsiyento ang hindi sang-ayon at 18 porsiyento ang walang naibigay na sagot.
Noong Hulyo 2020, 51 porsiyento lang ang nagsabi na delikado na banatan o punahin ang gobyerno.
Ngunit base rin sa naturang survey, 65 porsiyento ang naniniwala na maari nilang sabihin anuman ang kanilang naisin kahit kontra pa ito sa administrasyon.