De Lima tinawag na bitch ni Pangulong Duterte

“Only bitch!”

Ito ang bagong banat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Leila de Lima na ngayon ay nakakulong sa Camp Crame, Quezon City dahil sa kaso ng illegal na droga. Nakakulong si de Lima simula pa noong February 2017.

Sa talumpati ng Pangulo sa Tacloban City, sinabi nito na tanging si de Lima ang bitch na napaniwala niya ang mundo na isa siyang prisoner of conscience.

“She is the only b**** na napaniwala niya ang mundo na she is a prisoner of conscience,”‘ pahayag ng Pangulo.

Ikinagalit pa ng Pangulo ang pagbibigay ng kung ano-anong award ng mga European kay de Lima.

“Kaya binigyan pa ng mga award na itong mga loko-loko na Europeans. Kaya ako galit diyan sa Europeans. Hindi, hindi ako — makipag-usap, ah ayaw ko. Mga u*** kayo,” pahayag ng Pangulo.

Matinding kritiko si de Lima ni Pangulong Duterte.

Ayon sa Pangulo, hindi siya papayag na magkaroon ng hurisdiksyon sa kanya ang ICC.

“Pati ako i-demanda nila, ‘yong International Court of Justice nandoon sa Hague, it’s in Europe. Ngayon, gusto nila ako magharap doon,” pahayag ng Pangulo.

“Ano ako g***? Magharap ako ng korte na ang judge Pilipino. Hindi man ako magharap doon sa mga animal na ‘yan. Wala naman akong… Sabi ko, not in a million years,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaang kumalas na ang Pilipinas sa ICC.

Read more...