Pangulong Duterte nakararanas ng ubo

Nakararanas ng ubo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kalagitnaan ng talumpati ng Pangulo sa Tacloban City, hindi nito naiwasan na maubo.

Nanghingi pa ng tissue ang Pangulo.

Hinala ng Pangulo, maaring cancer na ang kanyang nararanasan.

“Pasensya na kayo sa — I don’t know, but ‘yong pagka-ubo, progressive. Baka cancer na ang p***** i**. Gigaba — nakarma na doon sa gi-krrkk,” pahayag ng Pangulo.

Hindi naman malaman kung nagbibiro o sersyoso ang pangulo,

Matatandaang sa kasagsagan ng pandemya sa COVID-19, panay ang ikot ni Pangulong Duterte sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Read more...