DA umaapela kay Pangulong Duterte na magdeklara ng state of emergency dahil sa ASF

 

Humihirit ang Department of Agriculture kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara na ng state of emergency para mapigilan ang pagkalat ng African swine fever sa bansa.

Sa liham ni Agriculture Secretary William Dar, sinabi nito na kumalat na ang ASF sa 12 rehiyon, 40 probinsya, 466 siyudad at munisipalidad at 2,425 barangay.

Kapag nagdeklara ng state of calamity, maoobliga ang local government units na maglaan ng pondo para tugunan ang ASF.

Una nang pinalawig ng DA ang implementasyon ng price cap sa karneng baboy at manok hanggang sa Abril 8.

Base sa executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakatakda ang price cap sa P270 kada kilo ng kasim at pigue, P300 sa liempo at P160 sa manok.

 

 

Read more...