Pinakamainit na temperatura sa Metro Manila, naitala kanina ng PAGASA

summerNaitala ngayong araw ng PAGASA ang pinamainit na temperatura sa Metro Manila ngayong taong 2016.

Alas 3:50 ng tanghali nang umabot sa 35.7 degrees Celsius ang pinakamataas na temperatura na naitala ng PAGASA sa Science Garden sa Quezon City.

Mainit na rin ang naitalang lowest temperature ngayong araw na 24.7 degrees Celsius kaninang alas 5:00 ng umaga.

Samantala, sinabi ng PAGASA, maaring makaranas ng isolated rainshower bukas sa ilang bahagi ng bansa dahil sa umiiral na ridge of a high-pressure area (HPA) sa Northern Luzon.

Easterlies naman ang naka-aapekto sa eastern parts ng Central at Southern Luzon, Visayas at sa Mindanao.

Bukas, makararanas katamtamang maulap na papawirin ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa.

 

Read more...