Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 18, nasa 15,941 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 88 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 5,248 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Apat naman ang bagong gumaling kung kaya 9,649 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala namang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,044 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,881 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,188 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 890 naman ang kaso sa Americas at 2,982 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.