Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (March 18), pumalo na sa 640,984 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 66,567 o 10.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 5,290 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
93.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.7 porsyento ang asymptomatic; 0.64 porsyento ang moderate; 1.2 porsyento ang severe habang 1.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 21 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 12,887 o 2.01 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 439 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 561,530 o 87.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.