Mga basura ire-recycle, gagawing eco-bricks at eco-blocks ng MMDA

MMDA PUBLIC AFFAIRS PHOTO

Pinasinayaan ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang Solid Waste Granulator and Brick Making Facility sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Abalos ang mga makokolektang basura sa kanilang pumping stations, gaya ng bio-waste at plastics, ay gagawin nilang eco-bricks, eco blocks, eco barriers at bio waste compost materials.

Sinabi nito ang mga magagawa nila mula sa mga basura ay ipamamahagi nila sa mga lokal na pamahalaan para magbigay proteksyon sa mga gumagamit ng bicycle lanes at walkways.

Sa ganitong paraan mababawasan ang mga basura at mapapahaba pa ang buhay ng sanitary landfills.

Aabot sa 41 milyong piso ang inilaang pondo para sa naturang proyekto.

Read more...