‘EDSA Lane Dieting’ gagawin ng MMDA sa susunod na buwan

Binabalak ng MMDA na magsagawa ng tinatawag na lane dieting sa kahabaan ng EDSA.

Paliwanag ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang lane dieting ay pagtatapyas sa lapad ng linya sa EDSA para bigyan daan naman ang pagtatalaga ng bicycle lane.

Sinabi nito na ipatutupad ang proyekto sa susunod na mga buwan.

Puna pa ng opisyal masyadong malalapad ang linya sa Edsa dahil una itong inilaan para sa mga bus.

Pero dahil mayroon ng ‘bus carousel’ o dedicated lane para lang sa PUBs maaring bawasan na ang mga linya para ang matitipid na espasyo ay maipapagamit sa mga nagbibisikleta.

Read more...