Ito ang ikalawang pagkakataon na tinamaan ng coronavirus si Lopez.
Sinabi ng kalihim na sumailalim siya kahapon, araw ng Miyerkules, sa RT- PCR test at kaninang umaga ay lumabas ang resulta na positibo siya sa COVID 19.
Ayon kay Lopez nagpa-swab test siya para sana samahan si Pangulong Duterte sa biyahe nito sa Eastern Samar.
Aniya mamamahagi ang DTI ng livelihood kits sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan na rebelde.
Binanggit din ng kalihim na asymptomatic siya at naka-isolate na.
Wala rin aniya siyang ideya ngunit paano niya nakuha ang virus dahil lagi naman aniya siyang naka-mask at face shield, bukod pa sa opisina – bahay lang ang kanyang biyahe nitong mga nakalipas na araw.
Noong Lunes, inanunsiyo ni Presidential spokesman Harry Roque na taglay niya ang coronavirus ilang araw matapos makasama sa isang out of town engagement si Pangulong Duterte.