Opisyal ng Tokyo Olympics magre-resign dahil sa ‘pig joke’

Inanunsiyo ni Hiroshi Sasaki ang kanyang pagbibitiw bilang creative director ng Tokyo Olympic dahil sa nakakainsultong pahayag sa isang babaeng komedyante.

Unang sinabi ni Sasaki na dapat makasama sa opening ceremony ng Olympic ang popular na plus-size entertainer na si Naomi Watanabe at dapat ay nakasuot ito ng damit na baboy.

“My idea would be a huge insult to Ms Naomi Watanabe. This can’t be taken back,” sabi ni Sasaki.

Noong nakaraang Pebrero, nagbitiw din si Olympics Chief Yoshiro Mori dahil naman sa ‘sexism statement.’

Sinabi ng 83-anyos na dating opisyal na sobrang madaldal ang mga babae sa mga meetings at umani ito ng matinding batikos mula sa publiko.

Base sa plano, magbubukas ang Olympics sa July 23 at matatapos sa August 8.

Read more...