Suplay ng tubig sa Metro Manila hindi kakapusin hanggang 2035 – MWSS

Hindi kukulangin ng suplay ng tubig ang Metro Manila at ilang bayan sa katabing lalawigan ng Laguna, Cavite, Rizal at Bulavan hanggang 2035, ayon sa MWSS.

Ngunit agad nilinaw ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco na mangyayari lang ito kung masusunod ang potable water roadmap na kanilang isinumite kay Pangulong Duterte.

Kasama sa plano ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam, na inaasahang makakatulong sa Angat Dam, bilang pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng tubig ng Metro Manila.

Sinabi ni Velasco na kung hindi matutupad ang plano maaring magkaroon ng problema sa suplay ng tubig sa loob ng dalawang taon.

Dagdag pa ng opisyal ang roadmap ay natalakay na nila sa Maynilad at Manila Water.

Ipinaliwanag ni Velasco ang roadmap sa pagdinig sa Kamara kaugnay sa panukala na maideklara ang Laguna Lake bilang pangunahing mapapagkuhanan ng malinis na tubig.

Read more...