Sa inilabas na abiso ng ahensiya, sinabi na ang Ivermectin ay aprubado bilang gamot sa mga hayop para magkaroon ng proteksyon kontra heartworm disease at sa mga bulate.
“This is used for the treatment of external parasites such as head lice and skin conditions such as rosacea,” ayon sa FDA.
Nabatid na ang Ivermectin ay hindi rin maaring gamitin sa lahat ng hayop at maari lang itong gamitin base sa inaprubahang indikasyon at paraan, bukod sa dapat ay inireseta ng lisensiyadong beterinaryo.
Diin ng ahensiya, ang paggamit ng naturang gamot sa ibang paraan ay maaring magdulot ng seryosong epekto at mas matindi ang magiging epekto nito sa tao kaysa sa hayop.
Nabatid din na ang inaprubahang Ivermectin sa bansa ay ang klase na ipinapahid lang sa balat ng hayop at hindi ipina-iinom.
Hindi rin ito inaprubahan bilang gamot sa viral infection.
Samantala, may mga pag-aaral na sa ibang bansa hinggil sa maaring positibong epekto ng Ivermectin laban sa COVID 19.