House Majority Leader Martin Romualdez positibo sa COVID 19

Sinabi ni House Majority Leader at Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez na taglay niya ang COVID 19.

Sinabi nito, ngayon araw ay muli siyang sasailalim sa test para tiyakin na hindi false positive ang unang resulta ng kanyang RT – PCR test.

Noong Martes, inanunsiyo nina Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor at Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong na positibo ang naging resulta ng kanilang RT – PCR tests.

Nanawagan si Romualdez sa mga nakalapit sa kanya na magpa-test na rin at aniya nakakaranas siya ng mga sintomas ng nakakamatay na sakit.

Sa kasalukuyan, naka-isolate na ang mambabatas, na hindi na binanggit kung paano niya nakuha ang sakit.

“Let me assure those who are concerned with my physical well-being that I am coping well despite experiencing symptoms of the disease, and that I am in high spirits,” aniya.

Read more...