Inatasan ni Assistant State Prosecutor Gilmarie Fe Pacamarra sina Wong at Xu na magsumite ng kanilang counter-affidavits at ibang supporting documents o mga testimonya ng kanilang mga testigo.
Nakasaad sa DOJ summon na dapat panumpaan ng dalawa ang kanilang affidavits sa April 19 alas 10:00 ng umaga sa National Prosecution Service Multi-Purpose Building sa DOJ.
Nagbabala si Pacamarra na ang kabiguan nina Wong at Xu na sundin ang subpoena ay ikukunsiderang waiver ng kanilang karapatan na iprisinta ang kanilang depensa at ang kaso ay magiging submitted for resolution batay sa evidence on record.
Nahaharap ang respondents sa money laundering complaint na isinampa ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) dahil sa umano’y paglabag ng section 4-A at B ng Anti-Money Laundering Act.
Ayon sa AMLC, inilipat ng cash remittance company na Philrem Services Corp. ang isang bilyong piso sa Eastern Hawaii’s Philippine National Bank kung saan umano nag-withdraw si Wong ng mahigit P900 million mula February 10 hanggang 26, 2016.
Ang Philrem ang umano’y naghandle ng money transfer na $81 million mula sa mga pekeng accounts na binuksan sa Jupiter Makati Branch ng RCBC.