American Idol, namaalam na matapos maitanghal ang ika-15 at huling winner

Photo form https://hollywoodlife.com/
Photo form https://hollywoodlife.com/

Si Brent Harmon ang ika-labinglima at huling winner sa American Idol.

Sa finale ng show kanina, itinanghal si Harmon na 15th American Idol, kasabay ng pamamaalam ng show matapos ang kanilang labinglimang season.

Runner-up naman sa American Idol season 15 si La’Porsha Renae.

Ang 24-anyos na si Harmon ay nagtatrabaho bilang waiter sa family restaurant bago siya mag-audition sa show.

Naging madamdamin naman ang finale ng show matapos na kumanta ang mga dating naging champion sa American Idol sa nagdaang season.

Dumating din sa finale ang mga original judge ng show na sina Randy Jackson, Paula Abdul at Simon Cowell.

Dumating din ang co-host sa unang season ng American Idol na si Brian Dunkleman.

 

Read more...