Ayon sa Phivolcs, unang naramdaman ang magnitude 4.2 na lindol sa layong 7 kilometers Southwest ng Ambaguio bandang 5:58 ng hapon.
Naitala ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity 2 – Baler, Aurora
Intensity 1 – San Jose, Nueva Ecija; Dagupan City, Pangasinan
Maliban ang ilang minuto, tumama naman ang magnitude 3.8 na lindol sa 14 kilometers Northwest ng kaparehong bayan dakong 6:03 ng gabi.
Naramdaman naman ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 3 – Baguio City; Itogon, Benguet; Bayombong, Nueva Viscaya;
Intensity 2 – Maria Aurora, Aurora
Instrumental Intensities:
Intensity 2 – Baguio City
Kapwa isang kilometro ang lalim nito at tectonic ang origin.
Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang dalawang lindol.