Nakakaapekto ang Easterlies sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.
Sinabi ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas na nagdadala ang Easterlies ng maalinsangan at mainit na panahon.
Hanggang Miyerkules ng gabi, March 18, may tsansa lamang aniya ng isolated thunderstorms, lalo na sa Silangang bahagi ng bansa.
Sa araw ng Huwebes, asahan aniya ang mainit na panahon sa buong bansa kabilang ang Metro Manila ngunit maaari pa ring makaranas ng pulo-pulong pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Wala naman aniyang inaasahang matataas na along mararanasan sa karagatan sa bansa.
Sa ngayon, sinabi ni Rojas na walang natututukang sama ng panahon na posibleng maapekto o mabuo sa loob ng teritoryo ng bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.