Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa Surigao del Sur, Miyerkules ng hapon.

Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 8 kilometers Southeast ng Marihatag bandang 2:16 ng hapon.

May lalim na 33 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang intensities ang mga sumusunod na lugar:
Intensity 3 – San Agustin, Surigao del Sur
Intensity 2 – Tandag City, Surigao del Sur
Intensity 1 – Carmen, Surigao del Sur

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...