Nasa 10 katao ang nasugatan matapos araruhin ng isang Honda Jazz ang 15 sasakyan sa kahabaan ng Taft Avenue Northbound sa Maynila.
Ayon kay Noriel Reynado ng MTPB Manila, sinita niya si Anthony Santos Martin, drayber ng Honda Jazz na may plakang THI 328 sa tapat ng Philipine General Hospital dahil sa traffic violation.
Disregarding traffic lane marking ang violation ni Martin na isang seaman.
Pero sa halip na tumigil at magpa-ticket, nakipaghabulan si Martin kay Reynado hanggang sa umabot sa tapat ng Sta. Isabel College.
Ayon kay Reynado, agad niyang tinanong kung may baril o ilegal na droga si Martin.
Ayon kay Martin, wala siyang baril o ilegal na droga
Tinangka pa ni Martin na tumakas pero hinablot na siya ni Reynado.
Kabilang sa mga inararo ni Martin ang pitong motor ilang SUV at taxi.
Paliwanag ni Martin, kagagaling lang niga ng medical exam.
Hindi rin daw siya tumakas sa enforcer.
Nawalan daw ng preno ang kanyang sasakyan.
Sinabi pa ni Martin na parang may ibang tao sa loob ng kanyang sasakyan.
Pero ayon kay Reynado, walang katotohanan ang pahayag ni Martin dahil huminto pa sa traffic light.
Nasa MPD na ngayon si Martin at kakasuhan ng reckless imprudence resulting multiple injury habang dinala naman sa Ospital ng Maynila ang mga nasugatan.