Hinimok ng tinaguriang superstar na si Nora Aunor na bumaba sa pwesto ang mga nasa gobyernong may kinalaman sa Kidapawan incident.
Sa kanyang pagsasalita sa harap ng daan-daang nagpoprotesta sa Mendiola, Maynila sinabi ng aktres na bukod sa mga responsable sa insidente dapat na ring magbitiw sa puwesto ang mga nasa pamahalaan na matapos ang insidente sa Kidapawan.
Si Nora Aunor kasama ang aktres na si Monique Wilson ay kabilang sa lumalahok sa kilos protesta sa Mendiola.
Bago nagtungo sa Mendiola, nagmartsa muna ang iba’t ibang grupo mula sa Plaza Miranda matapos silang dumalo sa isang misa sa Quiapo, Church.
Kinondena ng grupo ang gobyerno dahil sa insidente ng anila ay ‘pagmasaker’ sa mga nagra-rally na mga magsasaka.
Bukod pa ang pananatiling tikom ang bibig ng Pangulong Benigno Aquino III sa insidente na ikinasawi ng tatlong magsasaka at ikinasugat ng maraming iba pa.