Lubos nang napapakinabangan ng bansa ang dalawang bagong S-70i BlackHawk helicopters ng Philippine Air Force (PAF).
Ayon sa PAF, naghatid ng COVID-19 vaccines, ancillary supplies at Personal Protective Equipment (PPEs) sa Isabela, Cagayan, at Batanes ang kanilang dalawang modernong helicopters.
Sa kabuuan higit 1,300 doses ng Sinovac at AstraZeneca vaccines ang kanilang naihatid sa tatlong malalayong lalawigan.
Ang paghahatid ng mga bakuna at medical supplies ay pinangasiwaan ng mga tauhan ng DOH.
Nabatid na ang mga bakuna ay para sa AFP Medical frontliners na kumikilos sa ilalim ng Joint Task Force TALA.
READ NEXT
Panukala para sa mas mabigat na parusa sa mahuhuling nagmamaneho ng lasing at sabog sa droga, lusot na sa Kamara
MOST READ
LATEST STORIES