Sa botong 203 na YES at walang pagtutol, inaprubahan ang House Bill 8914.
Sa oras na maging ganap na batas, kung ang pagmamaneho na nasa impluwensya ng alak o droga ay hindi magreresulta ng physical injury ay mahaharap sa anim na buwang pagkakabilanggo at multang P50,000 hanggang P100,000.
Kapag ito ay nagresulta naman sa physical injury, mahaharap ang lumabag sa maximum period o multang P150,000 hanggang P250,000 at kung ang drunk o drugged driving ay magresulta sa homicide o pagkamatay ng biktima ay mahaharap din ang suspek sa maximum period ng pagkakabilanggo at multang P250,000 hanggang P550,000.
Kukumpiskahin din ang lisensya ng mga ito at posibleng hindi na mabigyan pa ng lisensya sa pagmamaneho.