3,947 health workers sa Maynila, nabakunahan na kontra COVID-19

Umabot na sa halos 4,000 ang bilang ng healthcare workers na naturukan ng bakuna laban sa COVID-19 sa Maynila.

Sa huling tala ng Manila Health Department hanggang 3:00, Martes ng hapon (March 16), nasa 3,947 health workers ang nabakunahan sa loob ng walong araw na vaccination rollout sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 2,949 ang nakatanggap ng Sinovac vaccine habang 998 naman ang nabigyan ng bakuna mula sa AstraZeneca.

Hinikayat naman ni Mayor Isko Moreno ang publiko na magpabakuna na.

Malaki aniya ang maibibigay nitong proteksyon laban sa nakakahawang sakit.

Read more...