Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 121.27 milyon

Pumalo na sa 121.27 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 121,278,482 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 30,231,550 cases.

Sumunod na rito ang Brazil na may 11,609,601 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 11,438,734 naman ang kaso sa India habang 4,409,438 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 4,268,821
– France – 4,108,108
– Italy – 3,258,770
– Spain – 3,200,024
– Turkey – 2,911,642
– Germany –  2,594,675
– Colombia – 2,309,600
– Argentina – 2,210,121
– Mexico – 2,169,007

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,682,258 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 97,817,867 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...