Imbestigasyon ng Senado sa bentahan ng Filipina sa Syria suportado ng DFA

Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na makiisa ang kanyang tanggapan sa pag-iimbestiga ng Senado sa pagbebenta at pang-aabuso ng mga Filipina sa Syria.

Kasunod ito ng pagpuri ni Locsin kay Sen. Risa Hontiveros, na nagbunyag ng nangyayaring kalakaran sa Syria.

“Great job, Risa. We need that. We cannot afford to relax or let any abuse pass because it is too much trouble to fix,” sabi ni Locsin.

Ibinahagi ng kalihim na inatasan na niya si Philippine Embassy in Damascus Chargé d’Affaires Vida Soraya Versoza na makibahagi sa gagawing pagdinig sa Senado.

Sa pagbubunyag ni Hontiveros, sinabi nito ang pagsasabwatan ng travel agencies at ilang opisyal ng Bureau of Immigration sa pagpapadala ng mga Filipina sa Syria kapalit ng P50,000.

Aniya, pagdating sa Middle East, ang mga Filipino ay ‘bibilhin’ ng kanilang mga amo at marami sa kanila ang naaabuso.

Sinabi ni Hontiveros na tatlong Filipina na sa Syria ang humingi ng tulong sa kanyang opisina.

Read more...