Senate probe sa pagkapatay sa siyam na aktibista hiniling ni Sen. De Lima

Pamantik-KMU photo

Nais ni Senator Leila de Lima na maimbestigahan ng Senado ang pagiging lehitimo ng isinagawang joint operations ng PNP at AFP na humantong sa pagkapatay sa siyam na aktibista sa CALABARZON.

Inihain ni de Lima ang Senate Resolution No. 681 na layong masuri ang counter-insurgency campaign ng administrasyong Duterte kasabay ng mga alegasyon ng malawakang paglabag sa mga karapatang-pantao.

“A careful review and scrutiny of the events that transpired that came at the price of human lives must thus be undertaken in order to determine the transgressions committed and prosecuted to the fullest extent of the law,” sabi ng senadora.

Aniya, kailangang malaman kung talagang epektibo ang kampanya para mawakasan na ang pagliligalig ng mga komunistang grupo.

Iginiit na ng PNP na lehitimo ang mga ikinasang operasyon, ngunit ipinagdidiinan ng ilang progresibong grupo na ‘tokhang-style executions’ ang nangyari.

Sinabi ni de Lima kung paniniwalaan na lang ang mga pahayag ng awtoridad, napapagkaitan ng tamang proseso ang mga napapatay sa mga operasyon.

Read more...