LPA sa West Philippines Sea, nalusaw na – PAGASA

Nalusaw na ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa bahagi ng West Philippines Sea.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Benison Estareja, wala pa naman silang nakikitang panibagong sama ng panahon.

Mababa din anya ang tyansa na magkakaroon kaagad ng panibagong LPA o kaya naman ay bagyo.

Samantala, mawawala na rin anya ang mga pag-ulan sa Northern Luzon na dulot ng Tail-end ng Frontal System.

Easterlies na lamang anya o mainit na hangin na nanggagaling sa Pacific Ccean ang umiiral sa bansa na nagdadala ng mainit na panahon lalo na sa tanghali.

May posibilidad din anya ng mga pag-ulan pero ito ay dahil sa mga localized thunderstorm.

Maari naman anyang bumalik sa susunod na linggo ang Northeast Monsoon o Amihan na makakaapekto sa Luzon at Eastern portion ng Visayas.

Ang araw ay sumikat 6:03 ng umaga at inaasahang lulubog mamayang 6:07 ng gabi.

Read more...