Sa abiso ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), may sampung oras na power interruption sa mga lugar na sineserbisyuhan ng kanilang GUIMELCO at ILECO I lines kabilang ang Barangay Guimahan at bayan ng Leganes sa Iloilo.
Magsisimula ang interruption alas 7:00 ng umaga at tatagal hanggang alas 5:00 ng hapon.
Ayon sa NGCP, magkakaroon sila ng maintenance works sa 69-kilovolt sa Sta. Barbara-Ingore line.
Samantala, siyam na oras na power interruption ang mararanasan sa ilang bahagi ng Lanao del Norte at Lanao del Sur bukas.
Magsisimula ang interruption alas 8:00 ng umaga at tatagal hanggang alas 5:00 ng hapon.
Apektado ng power interruption ang mga residente na sineserbisyuhan ng LASURECO.